Skip to main content

Anyong Tubig Sa Pilipinas

Ang bansang Pilipinas ay isang kapuluan o archipelago na binubuo ng humigit kumulang na 7,641 na mga pulo sa Timog-silangang bahagi ng Asya.  Sa pagitan ng mapakaraming pulo na ito ay ang iba't ibang klase ng mga anyong tubig na nagsisilbing tulay na nag-uugnay sa pagkakaisa ng iba't ibang Filipino at ng kanilang sariling kabihasnan at kultura.
Anyong Tubig Sa Pilipinas

Mga Anyong Tubig Sa Pilipinas

Halina't pag-aralan natin ang tungkol sa iba't ibang anyong tubig na makikita sa bansang Pilipinas.  Tuklasin ang mga anyong tubig na pumapalibot sa ating bansa pati na rin ang mga sikat na pangalan ng napakaraming katawan ng tubig na popular na dinadayo ng mga turista at paboritong pasyalan tuwing bakasyon ng mga Pinoy lalo na kapag sumasapit ang panahon ng tag-init.

1.  Karagatan sa Pilipinas

Ang karagatan o ocean sa Ingles ang pinakamalaking anyong tubig na maalat at bumubuo sa tatlong kapat (¾) na bahagi ng ating daigdig.  Ang Pilipinas ay pinapalibutan ng Karagatang Pasipiko o Pacific Ocean.  Ito ang pangunahing karagatan na nag-uugnay sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Karagatan sa Pilipinas

2.  Dagat sa Pilipinas

Ang dagat o sea sa Ingles ay pangalawa sa laki kumpara sa karagatan.  Ito ay anyo ng tubig na maalat o may asin.  Ang Pilipinas ay pinapalibutan ng mapakaraming dagat tulad ng Philippine Sea sa hilaga, Sulu Sea sa timog, South China Sea sa kanluran, at Celebes Sea sa silangan.
Dagat sa Pilipinas

3.  Ilog sa Pilipinas

Ang ilog o river ang siyang nag-uugnay sa lahat ng sariwang tubig na dumadaloy sa buong kapuluan.  Ang tawag sa tubig na nag-uugnay sa sariwang tubig na galing sa ilog at maalat na tubig sa dagat ay matabsing o brackish waters sa Ingles.  Ang pinakamahabang ilog sa Pilipinas ay ang Ilog ng Cagayan o Cagayan River na may habang 505 kilometro o 314 milya.
Ilog sa Pilipinas

4.  Lawa sa Pilipinas

Ang lawa o lake sa Ingles ay malawak na anyong tubig na walang daluyan.  Ang pinakasikat na Lawa ng Taal o Taal lake at isa sa mga sikat na dinadayo ng mga turista at mga Pinoy na nagbabakasyon tuwing sumasapit ang panahon ng tag-init sa Pilipinas.
Lawa ng Taal sa Pilipinas

5.  Talon sa Pilipinas

Ang talon o waterfalls sa Ingles ay isang anyong tubig na may mabilis at malakas na pag-agos na nagmumula sa mataas na bahagi ng isang lugar tulad ng bundok o burol katulad ng Casaroro Falls na ito na makikita sa Negros Oriental sa Pilipinas.  Karamihan sa mga talon na makikita sa Pilipinas ay nakadugtong sa agos ng mga ilog katulad ng pinakamagandang Maria Cristina Falls na makikita sa Agus River ng Iligan City sa Mindanao.
Talon sa Pilipinas

6.  Look sa Pilipinas

Ang look o gulf sa Ingles ay isang anyong tubig na may malawak, malalim, at makitid na bahagi ng dagat na pinapalibutan ng lupa.  Ang pinakamalawak na look o gulpo sa Pilipinas ay ang Lingayen Gulf na may lapad na 56 kilometro.

7.  Bukal sa Pilipinas

Ang bukal o spring sa Ingles ay isang anyong tubig na nagtataglay ng tubig na may kasamang mineral dahil ito ay nagmumula sa ilalim ng lupa.  Ang pinakasikat na pasyalan ng mga Pinoy ay ang Tiwi Hot Springs sa Naga at ang Asin Hot Springs sa Tuba, Benguet.

8.  Kipot sa Pilipinas

Ang kipot o strait sa Ingles ay makitid na anyong tubig na nagsisilbing daluyan ng tubig at nag-uugnay sa dalawang bahagi ng tubig tulad ng dagat.  Ang San Bernardino Strait ang nag-uugnay sa Dagat ng Pilipinas at Dagat ng Samar.

9.  Tangway sa Pilipinas

Tangway, o peninsula sa Ingles, ang tawag sa pulo na pinapalibutan ng anyong tubig at itinuturing na kabilang at bahagi pa rin ng isang pangunahing lugar o pook.  Ang Zamboanga Peninsula sa timog ay isa mga mga pinakapopular sa pasyalan ng mga turista at Pinoy na nagbabakasyon.

10.  Sapa o Batis sa Pilipinas

Ang sapa o batis, o tinatawag na brook or stream sa Ingles, ay anyong tubig na may sariwang tubig at itinuturing na maliit na ilog o ilug-ilugan.  Ito ay isang anyong tubig na may maliit na daloy ng tubig na maaaring nanggaling sa tubig-ulan na dala ng patuloy na pag-ulan na dulot ng bagyo at pagbabago ng panahon at klima.

Popular posts from this blog

List of English and Tagalog Names of Vegetables

List of English and Tagalog Names of Fruits

List of English and Tagalog Names of Foods and Drinks

List of English and Tagalog Names of Insects

Filipino Food for Christmas in the Philippines

List of English and Tagalog Names of Zoo Animals

List of Farm Animals Names in English with Pictures

List of English and Tagalog Names of Colors

List of English and Tagalog Names for School Supplies

List of English and Tagalog Names of Farm Animals